This post was contributed by a community member. The views expressed here are the author's own.

Neighbor News

For Tagalog neighbors " Isang Mas Magandang Mundo-Malapit Na!

Special Worldwide Campaign Brings Positive Message to Community.

[Tampa, Florida, USA] ay magiging isa sa libu-libong mga komunidad na makatatanggap ng isang mapuwersang mensahe ng pag-asa sa Nobyembre kapag pinasimulan ng mga Saksi ni Jehova ang isang espesyal na kampanya na nakapokus sa pag-asang mula sa Bibliya na magkakaroon ng isang mas magandang mundo.

Ang tunguhin ng kampanya ay upang maipamahagi ang isang espesyal na edisyon ng magasing Ang Bantayan na may seryeng pabalat na “Isang Mas Magandang Mundo–Malapit Na!” Mahigit na 36 milyong inilimbag na mga kopya ng magasin ang inaasahang maipapamahagi sa 230 mga wika sa mga komunidad na nasa 240 mga lupain sa buong globo. Karagdagan pa, ang digital na publikasyon nito ay makukuha sa iba’t-ibang mga platform sa halos 400 mga wika.

“Nananabik ang mga tao na makarinig ng positibong mensahe at ito ang posibleng pinakamagandang balita,” ang sabi ni Robert Hendriks, U.S. Spokesman para sa mga Saksi ni Jehova. “Ang isang mas magandang mundo ay hindi lamang isang panaginip, ito’y tiyak na mangyayari. Sa katunayan, ito ang pangunahing tema ng buong Bibliya.”

Find out what's happening in Tampafor free with the latest updates from Patch.

Tinutugunan ng magasin ang matagal ng tanong sa “pagkawasak ng mundo,” “Magwawakas ba ang mundong ito?” sa pamamagitan ng nakagiginhawang sagot na maaaring ikagulat ng mga mambabasa. Habang sinasabi ng maraming relihiyon ang “katapusan ng mundo,” isinisiwalat ng magasin ang malinaw na mensahe ng Bibliya: ang lupa ay mananatili magpakailanman at hindi kailanman magwawakas! Gayunpaman, ang magasin ay nagpapaliwanag din sa makapangyarihang katotohanan na ang kasamaan ay malapit nang mawala, sinisipi ang aklat ng Bibliya na Mga Awit kung saan nangangako ito na ang mga “masasama” ay mawawala na. (Awit 37:10, Bagong Sanlibutang salin)

Ang positibong mensahe na ito ang siyang pag-asa ng milyun-milyon sa buong daigdig na nananalanging ‘dumating na ang Kaharian ng Diyos,’ isang pamilyar na pananalita ng maraming Kristiyano na naturuan ni Jesus na tinatawag ng ilan bilang ang Panalangin ng Panginoon, o Ama Namin.

Find out what's happening in Tampafor free with the latest updates from Patch.

Taglay ng Ang Bantayan ang katulad na mensahe tungkol sa Kaharian ng Diyos sa mahigit na 100 mga taon at nananatiling may pinakamalawak na salin at sirkulasyon na magasin sa buong mundo. Ang bilang dalawa na edisyon sa taong 2021 ay makukuha ng libre online sa jw.org/tl, kung saan maaari din humiling ng isang libreng kopya sa pamamagitan ng pag-scroll down sa homepage at “Mag-request ng Pag-aaral sa Bibliya”.

Para sa higit pang impormasyon, pakisuyong tumawag sa (718) 560-5600.

I-click ang ibaba para sa direct link sa online na bersyon ng magasin:

https://www.jw.org/tl/library/magasin/bantayan-blg2-2021-mayo-hun/

The views expressed in this post are the author's own. Want to post on Patch?