Neighbor News
Pagkatapos ng 9/11, Kaginhawahan sa Pamamagitan ng Pagtulong
Many have coped with the stress and trauma of the terrorist attacks by helping others.
Hindi matanggap ng isip ni Diane Coxe ang nakikita ng kaniyang mga mata.
Nagmamadali papunta sa kaniyang trabaho sa isang law firm sa World Trade Center, si Coxe ay kakalabas lamang mula sa isang istasyon ng tren nang salakayin ng isang eroplano ang North Tower. “Sa sandaling iyon, naisip ko, ‘Siguro may kinukunan sila,’” sabi niya. “Hindi ko akalain na nangyayari talaga ito.”
Sa sumunod na kaguluhan, bahagya lamang na naalaala ni Coxe ang pag-uwi niya. Ngunit, dalawampung taon makalipas ang 9/11, hindi niya nakakalimutan kung paano niya ginugol ang gabing iyon. “Ako ay gumugol ng maraming pag-iyak at pagdarasal,” sabi niya.
Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.
Ang kaginhawahan ay nagmula sa pag-abot upang matulungan ang iba na nahihirapan tulad niya.
Ang pagbabahagi ng mga nakakaaliw na salita mula sa Bibliya ay “parang gamot sa akin,” sabi ng ina na may dalawang anak mula sa Uniondale, New York.
Ang ministeryo na kaniyang ibinahagi sa loob ng maraming taon bilang isang Saksi ni Jehova ay nagkaroon ng bagong papel para sa kaniya at sa iba. “Ang sinasabi ko sa aking mga kapitbahay ay nagpapalalim ng aking sariling pag-asa para sa hinaharap at nakakatulong sa akin na makayanang harapin ang aking mga nararamdaman,” sabi niya.
Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.
Ang pagtulong sa iba ay matagal nang may kaugnayan sa mas mabuting emosyonal na kalusugan ayon sa pagsasaliksik sa sikolohiya. Ang aklat na “The Healing Power of Doing Good: The Health and Spiritual Benefits of Helping Others” ay naglalarawan ng “makapangyarihang” mga epekto, kahit na para sa mga tumutulong na nakaranas ng trauma sa sarili nila.
Ang trauma ay karaniwan sa maraming mga boluntaryo sa Ground Zero. Si Roy Klingsporn, isang Brooklynite na nagboluntaryo sa Ground Zero halos araw-araw sa loob ng dalawang buwan, ay nakaalala sa isang pagkakataon na papalapit siya sa isang lalaki na nakaupo sa isang golf cart malapit sa pansamantalang morge.
“Nang tanungin ko kung kamusta siya, bigla siyang napaluha,” sabi ni Klingsporn, na ngayon ay nasa Fort Lauderdale, Florida.” Sinabi niya, “Pagod na akong mamulot ng mga bahagi ng katawan.”
Sa loob ng ilang araw na mga pag-atake, ang mga Saksi ni Jehova ay nagsaayos ng mga grupo na gumugol ng maraming oras bawat araw sa Lower Manhattan, hawak ang Bibliya, na inaaliw ang lahat mula sa mga pamilya ng mga biktima hanggang sa mga first responder na nakikipaglaban sa pisikal at emosyonal na pagkapagod. Ito ay isang gawain na nagpabago kung paano haharapin ng organisasyon ang mga sakuna, na may isang organisadong ministeryo ng kaaliwan na ngayon ay isang mahalagang bahagi ng pagtugon nito sa mga likas na sakuna at maging ang pandemic.
Ang paggunita sa mga araw na nakakasira ng loob na ginugol niya bilang isa sa mga boluntaryo na malapit sa nagliliyab na labi ng Twin Towers ay pumupukaw pa rin ng matinding kalungkutan kay Robert Hendriks.
“Napaka-emosyonal nito at napakahirap para sa akin, ngunit ang mga mukha ng nadaanan ko sa lansangan ay nagsasabi ng buong istorya,” ang sabi ni Hednriks, ngayon ay U.S. spokesman para sa mga Saksi. “Kailangan nila ng kaaliwan, at ang pinakamabuting maibibigay ko sa kanila ay isang yakap at isang teskto sa Bibliya.”
Para kay Brown “Butch” Payne, ang mga pangyayari ng Septyembre 11, 2001 ay nagbukas ng mga lumang sugat, ibinabalik ang mga matitingkad na alaala na sinisikap kalimutan ng Vietnam veteran.
Mula sa kaniyang apartment sa East Village, naalaala ni Payne ang mga taong lubhang naguguluhan na dumagsa mula sa Lower Manhattan papunta sa hilaga. “Ang pangyayaring iyon ay nagdulot ng ibat-ibang emosyon para sa akin,” ang sabi niya. “Lubha akong niyanig nito.”
Nakasumpong si Payne ng kaginhawahan sa pagtulong sa abot ng kaniyang makakaya. “Ang pagbabahagi ng pag-asa mula sa Bibliya ay nakapagpagaan sa akin,” ang sabi niya.
Para kay Klingsporn ang pag-aalok ng tulong sa iba ay nakapagbigay din ng kaaliwan sa kaniya. “Nagbibigay kasiyahan ang makatulong sa aking komunidad,” ang sabi niya.
Pagkatapos ng dalawang dekada, patuloy na nakasumpong ng kaaliwan si Coxe sa pag-abot sa iba – ngayon naman sa pakikipag-usap sa mga kapitbahay na naii-stress dahil sa pandemic habang kinakaharap niya ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na babae noong Pebrero.
“Sa bawat trauma na pinagdaanan ko, pinaginhawa ng ministeryo ang aking puso,” sabi niya, bagaman ngayon ay ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga liham at pagtawag sa mga telepono sa halip na sa pagbabahay-bahay. Inihinto ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pangangaral ng personal bilang tugon sa pandemic noong Marso 2020.
Gayundin ang nadama ni Payne. Noong 2016, pagkatapos ng 50 taong pagsasama, namatay ang kaniyang pinakamamahal na asawa sa cancer. Sa mga araw na lubhang nangingibabaw ang kaniyang kalungkutan, nagsusulat ng mga liham mula sa puso si Payne upang iangat ang espiritu ng kaniyang mga kapitbahay – at ang sarili niya. Nagbabahagi siya ng mga kasulatan at mga pantulong na nakatulong sa kaniya, tulad ng mga artikulo para maharap ang mga trauma at pangungulila sa jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova.
“Ang pagpapatibay sa iba na tumingin sa hinaharap ay nakatulong sa akin na gawin din ang gayon,” ang sabi niya.
