This post was contributed by a community member. The views expressed here are the author's own.

Neighbor News

Reaching Refugees with a Message of Hope

Translated in Tagalog for our Filipino Neighbors.

Paghahatid ng Mensahe ng Pag-asa sa mga Refugee Gamit ang Sarili Nilang Wika

Sa isang mainit na araw noong Hunyo malapit sa Clarkston, Georgia, nakarinig si Lah Khu Paw ng di-inaasahang pagbati.

“Gwah luh uh ghay,” ang sabi ng isang kabataang lalaki na nakatayo sa harap ng kaniyang pinto.

Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.

Nagulat siya. Ang kaniyang Amerikanong bisita ay nagsabi ng “Magandang Umaga” sa wikang Karen, ang katutubong salita ng kanilang etnikong grupo mula sa Myanmar.

Di nagtagal, natuklasan ni Lah Khu Paw na ang kabataang lalaking iyon ay isa lamang sa grupo ng mga boluntaryong iba’t-iba ang pinagmulan na nag-aaral ng kaniyang wika upang ipakipag-usap sa mga refugee na tulad niya ang mensahe ng Bibliya tungkol sa kaaliwan at pag-asa.

Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.

Ang mga Saksi ni Jehova sa lugar na iyon ay nagsisikap na makipag-ugnayan, hindi lamang sa mga nagsasalita ng Karen, kundi gayundin ng Myanmar (kilala din bilang Burmese), Amharic, at Swahili upang maglaan ng espirituwal na suporta sa mahigit na 60,000 mga refugee na nakatira sa Clarkston, na tinatawag bilang ang “Ellis Island ng Timog,” simula pa noong mga taong 1970.

“Maraming mga refugee ang lumikas mula sa kanilang bansa dahil sa mapang-aping mga kalagayan; ang buhay nila ay hindi madali,” ang sabi ni Robert Hendriks, U.S. spokesman para sa mga Saksi ni Jehova. “Maaaring iwanan nila ang maraming hamon, ngunit dapat naman nilang harapin ang mga panibago. Upang ipakita ang pag-ibig sa kapuwa, naglalaan ang mga Saksi ni Jehova ng praktikal na tulong at bukal sa puso nilang ibinabahagi ang mga pangako ng Bibliya tungkol sa isang mas magandang mundo sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos—ang mensahe ng kaaliwan at pag-asa.”

Ang pag-asang iyon ay “umantig sa aking puso,” ang sabi ni Lah Khu Paw.

Lumikas ang kaniyang pamilya mula sa kakulangan ng pagkain at nagbabantang karahasan sa Myanmar, kung saan ay napapunta muna sila sa refugee camp sa Thailand. Ngunit, kahit na makarating sila sa United States, parang mailap sa kaniya ang kapayapaan ng pag-iisip.

Dahil naantig ang puso sa makakasulatang paglalarawan ng isang mapayapang kinabukasan, siya at ang kaniyang asawang lalaki na si Pitoe Noe ay nagsimulang mag-aral ng Bibliya. Nakasumpong sila ng mga kaibigan at suporta mula sa mga pagpupulong ng mga Saksi ni Jehova sa wikang Karen. Kasama dito si Trevor Terry, na nag-aaral ng wikang ito kasama ng kaniyang asawang babae sa nakalipas na walong taon.

“Mayroong tiyak na pagpapalitan ng pampatibay-loob sa pagitan namin,” ang sabi ni Terry tungkol sa buklod na nabuo nilang mag-asawa kina Lah Khu Paw at Pitoe Noe. “Kami ay parang pamilya.”

Dalawang beses sa isang linggo, nag-aaral ng Bibliya sina Terry at Pitoe Noe gamit ang mga pantulong mula sa jw.org sa wikang Karen, isa sa mahigit 1,040 na mga wika na nagpapangyari upang ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova ay maging ang may pinakamaraming wikang naisalin sa buong mundo.

Pagkatapos gumawa ng mga positibong pagbabago sa buhay nila udyok ng kanilang natutuhan, sina Lah Khu Paw at Pitoe Noe ay nabautismuhan noong Agosto 2020 sa isang swimming pool sa likuran ng bahay kasama ang kanilang espirituwal na pamilya na sumusuporta sa kanila virtually gamit ang Zoom dahil sa pandemic.

“Hindi kami dating nag-iisip tungkol sa kinabukasan,” ang sabi ni Lah Khu Paw. “Ngunit ngayong alam na namin ang pag-asa na nasa Bibliya, maligaya na kami.”

Para tiyakin na ang iba pa mula sa Burmese American na komunidad ay makarinig ng katulad na mensahe mula sa Bibliya na nagbigay sa kanila ng pag-asa, ang mag-asawa ay nagtuturo sa iba pa sa kanilang lokal na lugar sa Atlanta ng wikang Karen.

“Sinisikap namin na ipakita ang pag-ibig ng Diyos,” ang sabi ni Pitoe Noe. “Natutuwa akong makita ang pagkakaisa sa gitna naming lahat.”

The views expressed in this post are the author's own. Want to post on Patch?

More from Jacksonville