This post was contributed by a community member. The views expressed here are the author's own.

Neighbor News

Two Years Still Virtual - Campaign

An article written in Tagalog for our Filipino Neighbors.

Dumami ang mga Saksi ni Jehova habang ang mga Virtual na Pulong, Ministeryo, mga Kombensiyon ay Pinapanatiling Aktibo at Ligtas ang mga Kapananampalataya

Halos tuwing umaga bago pa sumikat ang araw gising na si Lilia Abinales, taga-Jacksonville, para makipag-usap sa sinumang makikinig tungkol sa ilang mahahalagang tanong sa buhay gaya ng “bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa,” at tinatanong sa mga tao kung sa palagay nila ay mananatiling ganito, bubuti o lalala ang hinaharap.

Isang boluntaryong ministro na lumipat sa United States noong 1996, gustong-gusto niyang ibahagi ang nakakapagpatibay na mga teksto sa Bibliya tungkol sa magandang pag-asa sa hinaharap nang maagang-maaga sa mga gas station, laundromat o kahit saanman may tao.

Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.

Pero, noong Marso 2020, ang pampublikong ministeryo na nagdulot ng kagalakan sa kaniya at sa iba ay inihinto dahil sa pandemic.

Ipinagpalit ni Abinales ang kaniyang bookbag sa isang laptop at sapatos na panlakad sa tsinelas. “Alam namin makaaapekto ito sa aming ministeryo at rutin.”

Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.

Para maprotektahan ang iba at ang sarili niya ngayong pandemic, binago ni Abinales ang kaniyang ministeryo. Sumusulat siya ng mga liham at tumatawag sa telepono, kahit inamin niya na “medyo nakakatakot ito.”

Pero, sabi niya may positibong resulta ang kaniyang bagong ministeryo. “Mas marami ang nagagawa namin...mas maraming tao ang nakakausap ko na.”

Sa makasaysayang pagbabagong ito, ang bilang ng mga Saksi ni Jehova ay dumami ng 3% sa United States noong 2021 lang. Ito ang pinakamalaking pagsulong para sa organisasyon sa nakalipas na dekada at ang pangalawang pinakamalaking porsiyento ng pagsulong mula noong 1990.

“Ang pananatiling aktibo sa ating ministeryo habang nananatiling ligtas ay nagkaroon ng malaking epekto sa ating mga kapananampalataya at komunidad,” ang sabi ni Robert Hendriks, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa U.S. “Pinagkaisa tayo at naprotektahan ang mga buhay habang naaaliw ang maraming tao na may malaking pangangailangan. Ito ay dahil sa matalinong desisyon na huwag agad-agad bumalik sa in-person na mga aktibidad. Pinapatunayan ito ng mga resulta.”

Noong nakaraang taon, iniulat ng internasyonal na organisasyon ang pinakamataas na bilang ng mga taong nakikibahagi sa boluntaryong gawaing pangangaral, mas maraming dumadalo sa mga pulong sa Zoom at higit sa 171,000 bagong mga mananampalataya ang nabautismuhan. Sa nakalipas na dalawang taon, mahigit 400,000 na ang nabautismuhan sa buong daigdig.

Dahil sa edad at mahinang kalusugan, ang ilan na madalang nakibahagi sa ministeryo o nakadalo sa mga serbisyong panrelihiyon ay nagsabing sila ay muling napagsigla dahil sa kumbinyente ang virtual na mga pagpupulong at home-based na ministeryo.

Kahit malilimutin at mahihina, ang palayaw nina Joseph Fuoco, 81, at ng asawa niya si Sarah, 88, ay “the dynamic duo.”

Ginagamit ng mga Fuoco ang Zoom para sumamba dalawang beses sa isang linggo kasama ang Hollis, New Hampshire, kongregasyon at regular na sumasama sa mga online ministry group upang aliwin ang ibang mga tao at pamilya sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, liham, text at email.

“Maaari sana naging disbentaha ito, pero nakinabang naman kami,” ang sabi ni Joseph Fuoco. “Malaking pakinabang ang pakikibahagi sa mga gawain nang hindi umaalis sa bahay. Masaya ako dahil dito.”

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pag-asa ng Bibliya mula sa bahay, ang wala pang 3,000 na mga Saksi ni Jehova sa Alaska ay mabilis na makapangaral sa buong 586,000 milya kuwadrado ng kanilang estadong na kaunti ang populasyon. “Kami ay nakikipag-usap sa mas maraming tao ngayon sa isang araw kaysa dati sa isang buwan,” ang sabi ni Marlene Sadowski ng Ketchikan.

Ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova, na isinalin sa mahigit 1,000 wika, ay nakatulong din sa pagsulong ng organisasyon.

Pagkatapos magsimula ng libreng self-paced na kurso sa Bibliya sa jw.org noong Disyembre 2019, humiling si Lisa Owen ng libre at interactive na pag-aaral sa Bibliya sa Zoom. Isa siya sa halos 20,000 nabautismuhan bilang isa sa mga Saksi ni Jehova noong nakaraang taon sa United States sa pribadong mga lugar, gaya ng mga swimming pool sa likod-bahay, bathtub at maging mga ilog.

“Nakatulong sa akin ang JW.ORG upang matuto, magkaroon ng direksiyon ang buhay ko, at magsimulang mamuhay sa paraang nais ng Diyos. Napakaraming itinuro nito sa akin,” ang sabi ni Owen taga-Moriarty, New Mexico.

Kahit mas gusto ni Abinales, na binanggit kanina, ang in-person na mga aktibidad idinagdag niya: “Hindi ito rutin lang kundi bahagi ito ng buhay ko. Bahagi ito ng aking atas at pag-aalay kay Jehova. Kaya, masaya ako anuman ang sitwasyon.”

Para makapagpasimula ng online na kurso sa pag-aaral ng Bibliya, humiling ng pagdalaw o dumalo sa virtual na pulong sa inyong lugar, bisitahin ang jw.org.

The views expressed in this post are the author's own. Want to post on Patch?

More from Jacksonville