This post was contributed by a community member. The views expressed here are the author's own.

Neighbor News

Ang Lockdown ay Nagpatalsik sa mga Bumibisita, Pero Hindi ang Joy

Pandemic restrictions at nursing homes have brought isolation to many. But some are receiving more visitors than ever before. (In Tagalog)

Sumakay si Isabel Oveido ng elevator papuntang lobby ng kaniyang assisted living facility, nakahawak sa kaniyang walker na may dalang dalawang sobre sa kaniyang kamay.

Ang paghuhulog ng mga liham ay naging bahagi na ng kaniyang pang-araw-araw na gawain, dahil inialay niya ang ilang oras bawat araw sa pagsusulat ng liham sa mga kapit-bahay kalakip ang isang nakakapagpatibay na talata sa Bibliya. Hindi na niya mabilang kung gaano karaming mga liham ang kaniyang ipinadala habang nasa ilalim ng pandemic lockdown ngunit tinatayang mahigit sa 300.
“Hindi pa ako nakapagsulat ng ganitong karami sa buhay ko, kahit na noong nasa paaralan ako,” natatawang sabi ng 86-taong gulang na balo. “Ngunit gusto ko ito. Binibigyan ako nito ng kasiyahan at kapayapaan ng isip.”
Ang pagsama sa kaniyang kongregasyon sa ministeryo at iba pang mga pagpupulong sa Zoom ay nagpanatili kay Oveido, at marami pa na kagaya niya sa mga pangmatagalang pasilidad na pangangalaga, na maging abala at konektado sa kabila ng mga paghihigpit sa paglabas at pagbisita.
“Nasisiyahan akong gumugol ng oras kasama ang aking espirituwal na mga kapatid sa pamamagitan ng Zoom,” sabi niya. “Sana lang ay makapanatili kami ng mas matagal.”
Sa pasimula ng pandemya, ang mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova tulad ng sa kaniya sa Naperville, Illinois, ay pinalitan ang kanilang mga gawaing panrelihiyon at ministeryo mula sa personal tungo sa virtual, mula sa pagbisita sa bahay-bahay tungo sa tawag sa telepono at pagsulat ng liham.
Ito ay isang pagbabago na nagpahintulot kay Oveido ng higit pang mga pagkakataon na magboluntaryo. Kumportableng nakaupo sa kaniyang hapag kainan, maaari siyang sumulat sa kaniyang mga kapit-bahay nang hindi nag-aalala sa kaniyang mahinang tuhod.
“Ang tunguhin ko ay sumulat ng mga dalawang liham o gumugol ng tatlong oras sa ministeryo bawat araw,” sabi niya. “Wala akong panahon para makadama ng lungkot!”
Ang pananatiling positibo ay tumutulong kay Sharon Southerland, residente ng isang nursing home sa Jacksonville, Florida, na nakahiwalay din. Nagpokus siya sa positibong mga aspekto ng kaniyang sitwasyon.
Nakahiga sa kama dahil sa lymphedema, ang 84-anyos ay laging nakakatanggap ng lingguhang pagbisita mula sa kaniyang mga kapananampalatayang pamilya. Ngunit sa ilalim ng lockdown, ang lingguhang pagbisita na iyon ay naging araw-araw na pagbisita, sa pamamagitan ng kaniyang computer screen. Sumasama siya sa kaniyang mga kaibigan sa mga pulong ng kongregasyon at Kristiyanong ministeryo anim na araw sa isang linggo gamit ang Zoom.
Napakarami naming mga bagay na parehong interes at positibong mga pag-uusapan,” sabi ni Southerland. “Natulungan ako nito.”
Nakatulong din ang ekstrang oras upang gugulin sa kaniyang paboritong website para sa batay sa Bibliya na nilalaman, sa jw.org, kasama ang mga artikulo nito tulad ng “Positibo Kahit Nag-iisa-Paano?” ay nakatulong ,din. “Mayroon akong oras upang umupo dito at gawin ang lahat ng pag-aaral sa Bibliya na nais kong gawin,” sabi niya. “Paano pa ako malulungkot?”
Nakita ni Southerland ang ilang nabakunahang mga miyembro ng pamilya sa panahon ng maikling mga buwang ang pasilidad ay nagbukas para sa mga bisita. Ngayong naka-lockdown na ulit at walang katiyakang mangyayari sa hinaharap dahil sa mga variant ng coronavirus, ramdam niya ang nabubuong pagkabalisa sa paligid niya.
Pero para kay Southerland, “Anuman ang mangyari sa hinaharap, hindi ako natatakot. Ang kaligayahan ay hindi nakadepende sa mga kalagayan.”

The views expressed in this post are the author's own. Want to post on Patch?