This post was contributed by a community member. The views expressed here are the author's own.

Neighbor News

Witnesses Return to Knocking on Doors

Jehovah's Witnesses Return to Door-to-Door Ministry After 30-Month Pandemic Pause. Written in Tagalog for our Filipino neighbors

Ang mga Saksi ay Bumalik sa Pagkatok sa mga Pintuan

[Jacksonville] Ang mga Saksi ni Jehova ay babalik sa Bahay-bahay na Ministeryo Pagkatapos ng 30-Buwan na Paghinto dahil sa Pandemic

Ibabalik na ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pagkakakilanlan na gawaing pagbabahay-bahay na ministeryo pasimula ng Setyembre 1; ang dalawa at kalahating taong paghinto ng gawain ay matatapos ng tamang tama para sa pag-uumpisa ng pangglobong kampanya na nagtatampok ng interactive na programa para sa pag-aaral ng Bibliya.

Find out what's happening in Houstonfor free with the latest updates from Patch.

Ang desisyon na ibalik ang kanilang gawaing pagbabahay-bahay ay tanda ng kumpletong pagpapanumbalik ng lahat ng mga gawaing personal bago ang pandemya para sa halos 1.3 milyong mga Saksi ni Jehova sa 12,000 na mga kongregasyon sa United States. Ang kanilang mga Bahay ng pagsamba (tinatawag na mga Kingdom Hall) ay muling nabuksan noong Abril 1, ang pagpapatotoo sa pampublikong mga lugar ay ibinalik noong Mayo 31 at ang pagdalo ng personal sa mga kombensiyon ay pinaplano na para sa taong 2023.

“Excited talaga ako at mas marami akong lakas at sigla!” ang sabi ni Virginia Treadway. Dadalawin niya ang kaniyang mga kapitbahay sa susunod na mga linggo. Kahit medyo ninenerbiyos, masaya si Virginia na makapangaral uli sa bahay-bahay. “Na-miss ko ang pakikipag-usap sa mga tao, makita ang kanilang mukha at tugon sa mabuting balita.”
Ang paghinto ng pampublikong ministeryo ay isang maagap na pagtugon ng organisasyon upang mapanatiling ligtas ang mga komunidad at mga miyembro ng kongregasyon. Ang desisyong ito ay walang katulad. Ang mga Saksi ni Jehova ay nangangaral sa pamamagitan ng bahay-bahay ng walang tigil sa loob ng mahigit na 100 mga taon sa kabila ng kahirapan sa ekonomiya, dalawang digmaang pandaigdig at pandaigdig na kaguluhan, subalit ang COVID-19 ay humiling ng kakaibang pagtugon.

Find out what's happening in Houstonfor free with the latest updates from Patch.

“Naniniwala kami na ang desisyon na itigil ang lahat ng mga gawain sa loob ng mahigit na dalawang taon ay nagligtas ng maraming mga buhay,” sabi ni Robert Hendriks, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa U.S. “Handa na kami at nananabik na muling makausap ulit ang mga tao sa aming komunidad– nang personal, nang mukhaan. Hindi lang ito ang paraan namin na makapangaral, pero ito ang pinaka-epektibong paraan na maihatid ang mensahe ng kaaliwan at pag-asa.”

Ang pagbabalik nang personal sa ministeryo ay sumasabay sa pangglobong kampanya upang mag-alok ng programa sa pag-aaral ng Bibliya, na nasa daan-daang mga wika at iniaalok ng walang bayad. Ang kurso ay gumagamit ng isang inimprentang aklat, online na publikasyon o nakapaloob na feature sa libreng mobile application ng organisasyon, ang JW Library. Inilabas noong katapusan ng 2020, ang interactive study platform na naglalaman ng text, video, mga ilustrasyon at digital na mga worksheet upang matulungan ang mga nag-aaral na may iba’t-ibang edad.

“Ang programa ng pag-aaral na ito ay dinisenyo upang matapatan ang istilo ng pag-aaral ng 21-siglo na mga mag-aaral,” sabi ni Hendriks. “Nananabik kami na umpisahan ang pamamahagi nito sa aming mga kapitbahay habang bumabalik kami para isagawa ang personal na mga pagbisita.”

Dahil sa pandemic, napilitan ang mga Saksi ni Jehova na mabilisang gamitin ang virtual na mga pagpupulong at kombensiyon habang isinasagawa nila ang kanilang ministeryo sa pamamagitan lamang ng mga sulat, mga pagtawag sa telepono at virtual na mga pag-aaral sa Bibliya. Humantong ito sa pagtaas ng bilang ng mga dumadalo sa pulong at bilang ng mga kaugnay sa kongregasyon, na may mahigit na 400,000 bagong bautisadong mga saksi na sasama sa mga 120,000 na mga kongregasyon sa buong mundo sa loob lamang ng unang dalawang taon ng pandemic.

Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga Saksi ni Jehova, kanilang kasaysayan, mga paniniwala at mga gawain, pakisuyong bumisita sa kanilang opisyal na website, jw.org, na ang nilalaman ay makukuha sa mahigit na 1,000 mga wika.

The views expressed in this post are the author's own. Want to post on Patch?