Neighbor News
Global Event Promotes Pursuit of Peace
2022 "Pursue Peace" Convention Unites 239 Countries in More Than 500 Languages Article written in Tagalog for our Filipino Neighbors
Pandaigdig na Okasyon na Nagtataguyod ng Pakikipagpayapaan
Pinagkakaisa ng 2022 “Makipagpayapaan” na Kombensiyon ang 239 na mga Bansa sa Mahigit na 500 mga Wika
Sa kabila ng trahedya ng makasaysayang alitan sa Europa, ang mga Filipinos sa Florida ay makikiisa sa milyon-milyon sa buong mundo upang itaguyod ang napapanahong tema na “Makipagpayapaan” kapag idinaos nila ang anim na bahaging taunang okasyon na naka-iskedyul para sa Hulyo at Agosto, 2022.
Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.
“What great joy my family and I have at these yearly conventions.” said Ivan Peralta, whose family of 3 plans to attend each session throughout the summer. “We are truly looking forward to benefiting from the Bible-based program that will help us even more to bring praise to the God of Peace, Jehovah”
Mahigit 100 mga taon nang nagdaraos ang mga Saksi ni Jehova ng kombensiyon sa buong mundo, at nitong nakalipas na tatlong taon ay ginawa sa virtual na paraan sa pamamagitan ng libreng JW Library app o sa jw.org. Ang unang bahagi ng programa ay magiging available sa streaming o download pasimula ng Hunyo 27, 2022. Ang lahat ay iniimbitahang dumalo sa programa nang walang bayad.
Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.
“Ang kombensiyong ito ay isang katibayan kung paanong ang kapayapaan ay natatamo na ngayon bilang isang pandaigdig na komunidad dahil pinagkakaisa nito ang milyon-milyong mga tao kahit sa mga lugar na may alitan tulad ng Ukraine at Russia,” sabi ni Robert Hendriks, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa U.S. “Ang kapangyarihan ng mga prinsipyong tatalakayin ay nakahihigit kaysa mga pambansang hangganan, mga pagkakaiba ng lahi at mga hadlang sa wika. Kapuwa mga indibidwal at mga pamilya ay makikinabang sa pagdalo nila ng programa.”
Bago ang 2020, idinaos ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang taunang kombensiyon sa Plant City, Florida. Bagaman umaasang idadaos muli ang malalaking pagtitipon nang personal sa hinaharap, naipasiya na muling idaos ang kombensiyon sa 2022 nang virtual. Noong Abril 1, pinasimulang idaos ng mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa lokal at sa buong mundo ang kanilang mga pulong nang personal sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.
Ang tatlong araw na kombensiyon ay magiging available sa anim na mga bahagi, kung saan ang bawat isa ay katumbas ng kalahating-araw na programa. Ang mga paksang tatalakayin ay:
- Paanong ang pag-ibig ay umaakay sa panloob na kapayapaan at kapayapaan sa iba.
- Bakit masasabing ang Bibliya ay “ang mapa tungo sa pampamilyang kapayapaan.”
- Paano matatamo ang kapayapaan kahit dumaranas ng malubhang sakit, problema sa kabuhayan, likas na sakuna o iba pang mga problema.
- Ano ang ginagawa ng iba sa buong mundo upang tamasahin ang kapayapaan.
- Bakit ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay umaakay sa tunay na kapayapaan.
Isang kapana-panabik na presentasyon ang ihaharap bilang konklusyon ng kombensiyon, “Tunay na Kapayapaan sa Langit at sa Lupa—Malapit Na!”
Ang lahat ay iniimbitahang dumalo at maaaring pumunta sa internet sa jw.org o sa JW Broadcasting ng libreng JW Library app na available para sa iOS o Android, o sa mga streaming platforms tulad ng ROKU TV, Apple TV at iba pa. Ang programa ay libre at puwedeng ma-access ng lahat. Ang iskedyul para sa download at streaming sa buong mundo ay nakalista sa ibaba.
Para sa higit na impormasyon, pakisuyong kontakin ang Jehovah’s Witnesses United States sa (718) 560-5600 o pid.us@jw.org.
Araw ng Programa
Petsa na Avaiilable para sa Streaming o Download mula sa JW.ORG