Neighbor News
Finding Real Hope in Times of Trouble
An article written for our Tagalog speaking neighbors Paghahanap ng Tunay na Pag-asa sa Panahon ng Kaguluhan
Aspergillus fumigatus-ang mga butil ng amag na mas maliit kaysa sa lapad ng buhok ng tao — ay pumasok sa baga ni Susan Ziegel, residente ng Jacksonville, at "nagdulot ng isang butas sa baga, at huminto ito sa paggana," sabi ng asawa ni Susan, si Edward Ziegle.
Naalala ng mga Ziegles ang pagbisita sa doktor kada doktor, ngunit hindi nagtagumpay. "Sa loob ng maraming taon, si Susan ay laging kinakapos sa paghinga," sabi ni Edward, 70. "Ibubuka niya ang kanyang bibig, ngunit walang boses na lumalabas."
Dalawang beses, sa loob ng 36-araw na pamamalagi sa ospital, "sinabi ng doktor na hindi na siya aabot ng gabi," sabi ni Edward, habang pinipigilan niya ang mga luha.
Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.
Pero nakaligtas siya!
“Bilang mga Saksi ni Jehova, ang pag-asa ng mga Ziegels’ ay matatag na nakasalig sa kanilang pananalig sa sinasabi ng Bibliya sa Isaias 33:24: “Walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’”
Find out what's happening in Jacksonvillefor free with the latest updates from Patch.
Nang tanungin kung aling pangako sa Bibliya ang pinakaaasam-asam niya, sinabi ni Edward: "Makita lamang ang kapayapaan sa buong daigdig. Gayundin, ang pagkabuhay-muli; ang makitang bumalik ang pamilya. Ang makitang lumaki ang iyong pamilya sa harap ng iyong mga mata." Ngayon 80 na, sabi ni Susan, "Inaasahan ko ang bagong mundo."
Ngayong tagsibol, pagkatapos ng dalawang taon ng pagdaraos ng mga relihiyosong pagpupulong sa virtual na pormat, ang mga Ziegels’ ay sumama sa milyun-milyong mga Saksi sa buong daigdig, kasama na ang daan-daan sa mga kongregasyon sa lugar ng Jacksonville, na nag-aanyaya sa lahat na marinig ang tungkol sa pag-asang iyan sa isang salig-Bibliyang lektyur na gaganapin sa isang lokal na Kingdom Hall sa linggo ng Abril 4, 2022. Ang espesyal na presentasyong ito na pinamagatang, “Saan Ka Makakahanap ng Tunay na Pag-asa?” ay angkop sa isang napakaespesyal na panahon para sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, na babalik sa kanilang mga lugar ng pagpupulong sa Abril 1 sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.
Ang pagsisiyasat sa tema ng "tunay na pag-asa" ay sumasalamin sa marami na nakadarama ng kawalan ng pag-asa sa harap ng walang humpay na masamang balita at gabundok na mga problema.
Si Mike O’Connell, 70, mula sa Marietta, Georgia, ay nakasumpong din ng kaaliwan sa katulad na mga pangako mula sa Bibliya.
Ang kaniyang asawa, si Dee, ay nagkaroon ng COVID-19 noong nakaraang taon habang nasa ospital dahil sa stroke at namatay ilang araw bago ang kanilang ika-39 na anibersaryo ng kanilang kasal. “Na-miss ko ang lahat ng tungkol sa kaniya,” ang sabi ni O’Connell.
Ang paglalarawan sa isip kung paano niya sasalubungin siyang muli sa pangglobong pagkabuhay-muli dito sa lupa gaya ng inilarawan sa Kasulatan ay tumutulong kay O’Connell na tiisin ang sakit ng pagkawala ni Dee.
“Wala akong alinlangan na makikita ko siyang muli,” ang sabi niya. “Ang pananatiling nakapokus sa panahong iyon ay nagpapanatiling buhay sa aking pag-asa.”
Ang 30-minutong programa na “Saan Ka Makakahanap ng Tunay na Pag-asa?” ay idaraos sa buong daigdig nang personal ng mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar. Ang publiko ay imbitado din sa susunod na linggo sa taunang paggunita sa Memoryal ng kamatayan ni Jesu-Kristo sa gabi ng Biyernes, Abril 15, 2022.
Walang bayad ang pagdalo sa dalawang mga programang ito, at hindi kailangan na magparehistro. Ang impormasyon tungkol sa pagdalo sa inyong lugar ay matatagpuan sa www.jw.org.
“Sa mga panahong tulad nito, kailangan natin ng pag-asa higit kailanman,” ang sabi ni Hendriks. “Ang pag-asa ay tumutulong sa isang tao na tumingin sa hinaharap nang may lakas ng loob at pagtitiwala sa katuparan ng mga magagandang pangako ng Diyos. Kaya naman ang pagdalo sa isa sa mga espesyal na programang ito ay maaaring makapagpabago ng buhay.”
